about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Biyernes


BATAYAN
...namumuhay ayon sa katotohanan ang ilan sa iyong mga anak, alinsunod sa utos sa atin ng Ama. -2Juan 4

Sa ikatatagal ng ating appliances, sinusunod nating ang mga paraan ng paggamit na nakasulat sa manual of instruction.

Sa ikasasarap ng ulam na ating niluluto, malugod na ginagawa nating step-by-step ang nakasaad sa recipe book. Hindi natin kinakaligtaan ang mga sangkap para makuha nating ang tamang lasa ayon sa recipe.

Upang gumanda ang ating trabaho, walang utos na hindi natin tinutupad. May may patakaran ang patnugutan ng kumpanyang pinapasukan natin. Nais nating mapaganda ang buhay. Sumusunod sa iba't ibang panuntunan kung paano harapin ang buhay.

At para naman sa kaligtasan ng ating kaluluwa, mamuhay tayo ayon sa mga utos ng Panginoon. Kakayanin natin kung aasa tayo sa Kanya. Nguni't isa lamang ang higit na mahalagang malaman at pag-aralan, ang Banal na Salita ng Diyos. Tunay na Diyos ang may akda. Subok ng maraming mananaliksik ang katotohanang nito. Subok din ng mga mangangaral, oras sundi ito, tiyak tatatag ang pundasyon ng ating buhay.

Ang Salita ng Diyos ang pamantayan ng buhay. Pakinggan natin, paniwalaan, sundi, at isabuhay. Leilani G.


1 Basa: 2Juan 4-9
Salmo 119:1-2, 10-11, 17-18
Ebang: Lucas 17:26-37


PAGNINILAY:
Hindi sapat na basahin mo ang Bibliya. Pag-aralin mo at isabuhay.


Paliwanagin Mo ang buong mundo ng Iyong katotohanan; Palaganapin Mo ang Iyong mangangaral na magpatotoo sa kapangyarihan ng Iyong Banal na Salita.


San Aniano
obispo,
ipanalangin mo
kami.