about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Huwebes


PALATANDAAN
Ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang. -Lucas 17:20

Noong walang pagbabagong nagaganap sa buhay ko'y may tanong na pumasok sa aking isip tulad ng tanong ng mga Pariseo sa Ebanghelyo, "Kailang darating ang paghahari ng Diyos." At noong panahong iyo'y nabasa ko sa magasin na sinasabi ng ilang mangangaral na malapit na ang paghahari ng Diyos. Sabi nila ito'y dahil sa mga nangyayari sa mundong ating ginagalawan katulad ng global warming, ang pagbabago ng panahon (El niņo, La niņa), mga karumal-dumal na patayan o krimen at iba pa. Ito ba ang nagtatakda ng araw at petsa kung kailang darating ang paghahari ng Diyos? Ngunit ang pagdating ay hindi naman nagkakatotoo.

Pero magmula nang ako'y mag-CLSS sa Sto. Niņo Catholic Charismatic Renewal ay unti-unting binago ako ng ating Panginoon. Nagbago ang aking pananaw at pati na ang katanungan iyon. Dumarating ang paghahari ng Diyos hindi bilang rebolusyon o pagbabago ng panahon kungdi nagaganap ito sa mga taong tumatanggap ng Magandang Balita at isinasabuhay nito. At nakamtan nilang ang kaharian. Arnold B.


1 Basa: Filemon 7:20
Salmo 146:7-10
Ebang: Lucas 17:20-25


PAGNINILAY:
Gusto mong maghari ang Diyos sa iyo! Simulan mong baguhin ang iyong sarili.


Panginoon, tulungan Mo akong maiisabuhay ang iyong Mabuting Balita upang sa pamamagitan nito, ang Iyong paghahari y laging ansa puso ko.


San Eucario ng Lyons,
obispo,
ipanalangin mo
kami.