about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Miyerkules


IWAS DROGA
Naging alipin tayo ng sariling damdamin...-Tito 3:3

Si Rod ay pang-apat sa magkakapatid. Sa kanyan pag-aaral, mula elementarya hanggang haskul ay palagi siyang nangunguna sa klase. Laking tuwa ng kanyang mga magulang nang nagtapos siya ng hayskul na valedictorian. Matayog ang pangarap ng kanyang mga magulang para sa kanya at nais nilang makatapos siya ng kolehiyo at maging isang engineer.

Dahil sa kanilang kahirapan, lumuwas siya sa Maynila at nag-self supporting student. Nagtatrabaho sa araw at nag-aaral sa gabi. Marami siyang naging kaibigan.

Nasa third year college na siya nang isang araw ay magising siya sa katotohanang nalulong na pala siya sa ipinagbabawal na gamot. Bigo man ang kanyang mga magulang, wala silang magawa kundi ipagamot, kupkupin at arugain siya.

Hanggan ngayon, pasanin pa rin siya ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang karamdaman. Nagkaroon siya ng nervous breakdown. Malaki ang panghihinayang ng lahat. Kung hindi sana siya nagpaalipin sa kanyang damdamin, nakatapos sana siya ng pag-aaral. Rudy M.


1 Basa: Tito 3:1-7
Salmo 23:1-6
Ebang: Lucas 17:11-19


PAGNINILAY:
Ikaw ba'y nadapa? Bumangon ka at kumapit sa kamay ng Panginoon na umaabot sa iyo.


Panginoon, tulungan Mo akong maging matatag; Nang ang ibinigay na buhay at liwanag ay sundan kong naaayon sa Iyong kagustuhan.


San Malo,
obispo,
ipanalangin mo
kami.