about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Lunes


MAY KASANGGA KA!
Kailangan walang kapintasan ang tagapangasiwa ng iglesia, sapagkat ang pamahalaan niya ay gawaing ukol sa Diyos. -Tito 1:7

Buwan ng palitan ng panguluhan sa amin. Karamihan sa mga dumalo sa pagtitipon ay mga kabataan kinakabahan dahil kalahok sila sa pagiging Pangulo at isa ako rito. Dahil sa aking kaba, nagdasal ako na huwag mabunot ang panglan ko dahil wala pa akong gaanong alam. Hindi pa ako sanay makihalubilo sa tao. Kaya't laking pasasalamat ko nang hindi ako ang nabunot.

Noong una, kinabahan siya't ayaw niyang tanggapin ang alok. "Ayoko, hindi ko kaya," sabi niya. Naiintindihan ko siya dahil mayroon siyang kapansanan. Pilay siya't madalas tuksuhin sa aming baryo. Naawa ako sa kanya at madalas sabihin, "Huwag kang mag-alala, kaya mo 'yan."

Sa paglipas ng araw, unti-unting nakita ng tao ang sipag niya bilang Pangulo ng Kabataan. Sa kabila ng kanyang kapansanan, naniwalang hindi siya pababayaan ng Ama.

Si Kristo ri'y katakut-takot na pang-aalipusta ang tinanggap. Sa sariling bayan pa mismo! Kaya may kapintasan ka man o wala, basta nasa tama ka at may paninindigan sa buhay, asahan mong maipapatupad mo ang iyong tungkulin sa tulong ng Panginoon. Art D.


1 Basa: Tito 1:1-9
Salmo 24:1-6
Ebang: Lucas 17:1-6


PAGNINILAY:

Ano man ang inyong kapintasan at kakayahan, matuto kang ipaglaban ito sapagka't kasangga mo si Kristo.


Sa lahat ng kapintasan ko, alam kong Ikaw ang umuunawa, Sa aking mga kahinaan, Ikaw ang tanging lakas.


San Didaco,
kumpesor,
ipanalangin mo
kami.