about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Linggo


ANG PAGBIBIGAY
sapagkat ang iba ay nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan...-Marcos 12:44

"Ang pagtulong o pagbibigay sa kapwa tao'y dapat galing sa puso at hindi sa nguso." Ito ang aking natutunan noon nasa grade school pa ako.

Tuwing unang Biyernes ng buwan, tinitipon ang lahat ng estudyante ng aming paaralan upang dumalo sa Banal na Misa. Ang paring nagmimisa ay ang aming school chaplain na si Fr Martinez. Mapapansin ang solemnity ng Misa, inspirado ang lahat at nagpapartisipa.

Pagdating ng offertory o bahagi ng koleksiyon ng love offering, palagi kong napapansin ang mga kaklase kong nagpapalakihan ng ibinibigay. Kapag may nagbigay ng malaking halaga, ipapakita muna ito sa mga kaklase bago ihulog sa basket. Maiinggit ang iba kaya maglalabas ng mas malaking halaga, kahit wala nang pambili ng pananghalian ay makikipagligsahan pa.

Tuwing makikita ko ito, palagi kong ipinapa-alala sa kanila na ang pagbibigaw ay galing sa puso, hindi galing sa kayabangan. "Mas pagpapalain kayo ng Diyos kahit maliit na halaga lang ang iyong ibigay ngunit muli naman sa puso at dahil sa pagmamahal mo sa Kanya, kaysa sa malaki nga, mula naman sa kayabangan at pakikipagsaligsahan." Art D.


1 Basa: 1Hari 17:10-16
Salmo 146:7-10
2basa: Hebreo 9:24-28
Ebang: Marcos 12:41-44


PAGNINILAY:

Kung magbibigay kaw, ngumito ka! Mahal ng Panginoon ang masayahing palabigay.


Hesus, salamat sa lahat ng pagpapalang ibinigaw Mo sa akin; "Turuan mo akong mamahagi ng Iyong kasaganahan at magbigay nang taos-puso at walang imbot.


San Benedicto,
atbp., mga martir,
ipanalangin mo
kami.