about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Sabado


KAPAG LINGGO . . . AT BUONG LINGGO
Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan. -Lucas 16:13

Ang propeta ng si Amos ay nagbigay babala sa mga tao sa pagbabago. Kasakiman at pagdaraya ang umiiral sa kanila. Ganito rin ang mababasa natin sa mga pahayagan; Inaapi ng mga mayayaman ang mga mahihirap.

Pero noon panahon ni Amos, hinihintay ng mga tao na matapos ang Araw ng Pahinga bago gumawa. Dito sa Pilipinas, tulad ng ibang bansa, ang Araw ng Linggo ay araw ng negosyo. Sa mga mall, punong-puno ito sa araw ng Linggo. Kaya may sinulat ang Santo Pap noong Mayo 1998-87 na kabanata ng isang apostolic letter. Hinimok niya ang mga Katoliko na gawin muli ang Araw ng Linggo na isang banal na araw, nakalaan para sa Panginoon at hindi sa salapi.

Ang salapi ay nandito para pagsilbihan tayo at hindi ito ang ating Diyos. Makikita ito hindi lang sa kung ano ang ginagawa natin kapag Linggo. Pati na rin kung ano ang ginagawa nating sa ibang araw ng Linggo.

Binibigay ba natin ang sapat na serbisyo sa ating mga trabaho? Nagbabayad ba tayo ng tamang buwis? Nagnanakaw ba tayo kahi gaano kaliit na halaga? Nakikipagkaibigan ba tayo sa mga may awtoridad para mapabilis ang ating mga papeles, o di kaya makaiwas sa parusa ng batas? Magpakabanal tayo sa araw ng Liggo..at sa baong linggo. Art D.


1 Basa:Filipos 4:10-19
Salmo 112:1-2, 5-6,
8-9
Ebang:Lucas 16:9-15


PAGNINILAY:

Kung anuman ang ginawa mo ngayon, may epekto ito sa iyong kinabukasan. Piliin ang Panginoon, huwag ang salapi at kamunduhan.


Amang Diyos, ikaw ang aming nag-iisang Panginoon. Wala nang iba; samahan Mo kami sa buong Araw ng Linggo.


San bartolome,
abot,
ipanalangin mo
kami.