about us   archives   e-mail us   subscription








Nobyembre
Biyernes


BAKA BUMIGAY NA AKO
...magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay ng nakaugnay sa Panginoon. -Filipos 4:1

Sa napakamurang edad na apat na taon ay naranasan ko nang masaktan, nang umalis si Tatay para lumban sa mga Hapon. Matatag si Nanay, naging huwaran ko sa katatagan. Nang bumalik si Tatay, akala ko ay magiging masaya na kami. Kapos na kapos ang akyat ng pera sa amin. Dahil anim kaming magkakapatid na nag-aaral, sinikap kong maging iskolar. Pero hindi lang matrikula ang ginagastusan ng isang mag-aaral, at para makatulong sa mga kapatid, napilitan akong mag-working student. Nagdasal ako. Katatapos ko pa lang ng kolehiyo, namatay na si Tatay. Halos masira ang ulo ko sa pag-iisip kung paano ko itataguyod ang mga kapatid ko at inang plain housewife lang. Dasal uli. Dininig ni Lord ang mga dasal ko. Ngayo'y may mga sariling pamilya at mabubuting hanapbuhay na ang mga kapatid ko. Nagpakasal ako sa lalaking naghintay sa akin ng walong taon. Pero, dagok na naman ng tadhana….nambabae at iniwan kami ng anak ko. Wasak na wasak na ang puso ko! Pero tawag uli sa Kanya. Ngayon, matiwasay at maayos kaming namumuhay ng aking anak. Art D.


1 Basa:rFilipos 3;17-4:1
Salmo 122:1-5
Ebang:Lucas 16:1-8


PAGNINILAY:

Anumang galing at lakas mo y hindi mo kakayaning buhating mag-isa ang mundo. Patulong ka kay Hesus.


Panginoon, mahirap mang mabuhay ay tiyak na gagaan dahil sa tulong Mo; Salamat, Hesus, kung hindi sa Yo, baka bumigay na talaga ako!


San Aed Mac,
Brio, obispo,
ipanalangin mo
kami.