about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Miyerkules


GANTI
Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos - Mateo 5:7

"Kailangan kong dalhin sa ospital si Marvin," sabi ko kay Danny. "Nasa emergency room siya ngayon. Hindi kayo puwedeng magbantay dito ni Paolo. Mahirap kung nandito ang bata. Sino kayang puwede?" sabi ni Danny mula sa ospital.

Muling tumunog ang telepono. "Si Bro. Joyme na ang magbababantay kay Bro. Marvin," sabi ni Lourdes, maybahay ni Danny. At bago mag-hatinggabi ng araw ding iyon, hinatid ni Joyme sa bahay si Marvin.

Sin Danny, Lourdes, Joyme. Ilan sa mga nagpadama ng pagmamahal sa oras ng aming pangangailangan. Ang buong chapter ng Light of Jesus sa Meycauayan at Kalookan ay nagkaisang magdasal para gumaling ang aking asawa. Dama-dama ko ang kapayapaang dulot ng malasakit at tapat na pag-aalala nila.

Ang panahon ng pagkakasakit ay panahon ng pagtanggap ng awa mula sa Panginoon. Ginamit Niya ang mga taong pinaglingkuran ni Marvin ng maraming taon upang ipadama sa amin ang biyaya ng Diyos. Ang aming itinanim sa puso ng kapatiran ay aming inani nang kami naman ang nangailangan sa panahon at paraan ng Diyos.

Kailangma'y di Mo pababayaan ang Iyong lingkod. Sa oras ng pangangailangan, ang pag-ibig Mo'y labis-labis. Liza T.


1 Basa:Galacia 1:6-12
Salmo 111:1-2, 7-10
Ebang:Lucas 10:25-37


PAGNINILAY:
Kung ano ang ating ibinahagi, siya rin ang ating matatanggap ayon sa panahon at sukatan ng Diyos.


Kailangma'y di Mo pababayaan ang Iyong lingkod. Sa oras ng pangangailangan, ang pag-ibig Mo'y labis-labis.


San Austremonio,
obispo,
ipanalangin mo
kami.