about us   archives    e-mail us   subscription







Disyembre
Martes


SI JESUS LAMANG
Sa bundok ding ito'y papawiin niya ang kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa. - Isaias 25:7

May mga problema tayong dapat lutasin, mga pag-aalinlangang dapat linawin, mga pasaning dapat ilapag.

May tatlong paraan ng paglutas ng problema: Una, ganap na umasa sa sarili. Ikalawa, manalangin nang manalangin nang manalangin. Isipin na ang lahat ay batay sa kagustuhan ng Diyos, at pagkatapos manalangin, huwag nang gumawa ng ano man. Mali ito, dahil panatiko ka't tamad. Ikatlo, umasa at sumandal sa iba o isang bagay na makatutulong sa paglutas sa inyong problema.

Ngunit may kulang pa rin! Umasa tayo sa Diyos na lahat ay batay sa Kanya. Pagkatapos gumawa at manalangin, humingi rin tayo ng tulong ng iba, sapagkat alam nating hindi tayo maaaring mabuhay nang nag-iisa.

Ganito ang paglutas ng problema at pagharap sa ating mga pasanin. Sa gayon, magiging mabisa ang ating mga panalangin at ang ating mga pagsisikap ay magtatagumpay at mapabubuti ang ating mga relasyon. Msgr. Soc V.


1Basa: Isaias 25:6-10
Salmo 23:1-6
Ebang: Mateo 15: 29-37


PAGNINILAY:
Hindi malutas ang problema mong taun-taon na ang dumaan? Nagdarasal ka ba? Umaasa ka ba sa sarili't sa Diyos?


Aakyatin namin ng bundok ng panalangin at pupurihin Ka't sasambahin; Pawiin Mo ang aming kalungkutan at pagaanin ang aming dalahin.


San Juan Almond,
pari at martir,
ipanalangin mo
kami.





Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph