about us   archives    e-mail us   subscription Shepherd's Voice Publication

Oktubre
Lunes


DESIDIDO
Nang nalalapit na ang panahon iaakyat si Jesus sa langit, ipinasya Niyang pumuntang Jerusalem. -Lucas 9:51

Sa oras ng mga kagipitan, nahaharap tayo sa alanganin. Sa mga ganitong sitwasyon, dapat kang magpasiya. At oras na nakapag-desisyon ka na, dapat handa kang harapin ang bunga ng desisyon na iyon.

Kayo? Desidido na ba kayong maging Kristiyano? Yung tunay na Kristiyano? Marami sa atin ang sumasang-ayon sa mga bagay na masama. Tulad ng diborsyo, pangangaliwa, live-in, aborsyon at iba pa. Ang dahilan? "Marami na kasing gumagawa, e, 'di, sige na lang."

Ang isang tunay na Kristiyano ay desididong tahakin ang "landas patungong Herusalem." Maaring mahirap lakarin ang daan na ito at taliwas sa ididnikta ng makabagong panahon. Ang pag-una sa pangalan ng Diyos bago ang lahat ng bagay - ito ang kahulugan ng pagiging mabuting Kristiyano. Higit sa trabaho. Higit sa pag-aasawa. Higit sa ating kalayaan. Sapagkat ang puso na hindi buo'y pusong balisa.

At sa dulo ng mabato, matinik at masikip na landas, mahirap, masakit man itong tahakin, walang katapusang kaligayahan sa langit! Fr. Rudy H.


1 Basa: Job 3:1-3,
11-17, 20-23
Salmo 88" 2-8
Ebang: Lucas 9:51-56


PAGNINILAY:
Madali bang mabali ang mga panindigan mo sa buhay ayon sa Salita ni Hesus sa Banal na Aklat? Kung hindi, paano mo ipaglalaban si Kristo sa mga hindi naniniwala?


Panginoon, gabayan Mo kami sapagkat madalas kaming maligaw: Dalhin Mo kami patungo sa lugar na inihanda Mo sa amin, isang hakbang lang yon.


San Hesiquio,
ipanalangin mo
kami.