about us   archives    e-mail us   subscription Shepherd's Voice Publication

Oktubre
Sabado


PUMUTI AKO
Kung kayo ay kay Kristo, kabilang kayo sa lahi ni Abraham. - Galacia 3:29

Pumuti ako sa loob ng dalawang linggo. Paulit-ulit nating napapanood sa telebisyon ang patalastas na ito. At marami ang naniniwala dito. Lahat yata ng mga Pilipino ay gustong pumuti. Kaya marami tayong nakikitang sabon, lotion o cream na nagsasabing ito ay nakakapagpaputi ng kutis. Hay, ang mundo! Naniniwalang kailangang maputi ang isang tao para masabing maganda.

Ngunit hindi tumitingin ang panginoon sa kulay ng balat natin. Siya ang pumili ng kulay natin kaya tiyak ko, tayong mga Pinoy ay pogi at maganda pa rin sa Kanyang paningin kahit hindi tayo maputi. Mas interesado ang Diyos sa kulay mg ating puso at kaluluwa.

Paano natin mapapaputi ang ating puso’t kaluluwa? 1) Magdasal araw-araw, 2) Mag-aral ng Biblia araw-araw, 3) Dumalo sa prayer meeting at sumabay sa pagpupuri, 4) Magkumpisal sa pari, 5) Magsimba araw-araw (kung maaari), 6) Magbasa tungkol sa mga pang-espiritwal na paglago, 7) Magbahagi ng Salita ng Diyos, atbp. Kung gusto mong lumago at pumuti ang kalooban mo, kilos na! Nimia G.


1 Basa: Galacia 3:22-29
Salmo 105:2-7
Ebang: Lucas 11:27-28


PAGNINILAY:
Kasalanan ang nagpapadumi ng iyong puso at kaluluwa. Taos-pusong pagsisi at kumpisal ang makapaglilinis nito.


Nais koy puso na puno ng pagmamalasakit sa buong mundo at itoy pinagkaloob Mo; Gawing busilak ng kalinisan ang pusot kaluluwa ko.


Sta. Manequilda,
birhen,
ipanalangin mo
kami.