about us   archives    e-mail us   subscription Shepherd's Voice Publication

Nobyembre
Biyernes


PANALO
At binabantayang nilang mabuti ang kanyang mga kilos.- Lucas 14:1

Sa isang nayon sa aming bayan, mayroon mahigpit na magkalaban sa pagiging barangay captain. Ang isa ay college graduate at ang isa nama'y elementary graduate. Pareho silang maganda ang plataporma para sa ikauunlad at ikagaganda ng aming nayon. Nguni't isa lamang ang kailangang magwagi.

Sumapit ang araw ng eleksyon. Nanalo ang elementary graduate. Marami ang pumuna at pinintasan ang nanalo. Baka raw hindi niya kayang humawak ng tao, magpalakad at magpatakbo ng aming nayon.

Nguni't nagkamali ang lahat ng nagsalita laban sa nanalo. Sa una'y nahirapang magpasunod ang bagong halal, nguni't unti-unting bumaliktad at pumanig sa kanya at nakipagtulungan. Naging maunlad at tahimik ang aming nayon.

Maihahantulad ang mga taong iyon sa mga Pariseo na walang ginawa kundi bantayan at punahin ang ginagawa ni Hesukristo. Para sa kanila'y wala na Siyang ginawang mabuti. Pakiramdam nila'y kinakalaban sila ng Panginoon. Nguni't lahat sila'y nagkamali rin sa kanilang iniisip tungkol sa Kanya. Rudy MI.


1 Basa: Filipos 1:11
Salmo 111:1-6
Ebang: Lucas 14:1-6


PAGNINILAY:
Mapanghusga ka ba? Hindi ikalulugod ng Panginoon ang iyong ugali. Subukan mong magmahal ng iyong kapwa at bantayan mo ang mabubuti nilang gawa.


Panginoon, linawin Mo ang isipan ko nang matuto upang tumanggap ng kabiguan, Ituro Mo sa akin ang pagpapakumbaba at mahalin ko nawa ang aking kapwa.


San Amico
ipanalangin mo
kami.