about us   archives    e-mail us   subscription Shepherd's Voice Publication

Nobyembre
Martes


MGA MUNTING BAYANI
Kami ay mga aliping walang kabuluhan, tumutupad lang kami sa aming tungkulin. -Lucas 17:10

Napadalaw akong minsan sa Sisters of Charity sa Tayuman. Doo'y namalas ko ang mga madren bukal sa kalooban ang pagsisilbi na may ngito sa labi. Nakatutuwa silang pagmasdan habang nagpapaligo, nag-aalay at nag-aasikaso sa mga matatandang inabandona ng kanilang mga mahal sa buhay. Sa kanilang mukha, mababakas ang dedikasyon sa gawain at pagmamahal dahil kay Kristo.

Maaring ordinaryo at nakakasawa ang gawain nilang ito sa araw-araw, nguni't ito'y naging kakaiba o higit na pambihira dahil sa kanilang pananaw at katapatan sa paninilbihan bilang alagad ni Kristo. Sila ang mga munting bayani na hindi naghangan ng karangyaan o karangalan sa mundo, kundi sa pamamagitan ng kanilang gawai'y ipabatid ang pagmamahal sa dulot ni Kristo.

Wala man silang gantimpala sa mundo ito, mayroon namang higit pang yaman na naghihintay sa kanila sa kabilang mundo - 'pagkat' sa dako pa roon ay ang kaharian ng ating Poong si Kristo, ang sarap nilang tularan. Luvi C. L.


1 Basa: Tito 2:1-8, 11-14
Salmo 37:3-4, 18, 23, 27, 29
Ebang: Lucas 17:7-10


PAGNINILAY:
May saysay ba ang mga ginagawa mo ngayon? May kinalaman ba ito sa mga dukha?


Hindi ko panghihinayangan ang magsayang ng oras, sa paglilingkod sa Iyo, O Hesus, Bigyang sigla ang puso ko at alipin ng pagmamahal Mo sa kapa ko.


San Sirapion,
martir,
ipanalangin mo
kami.