about us   archives    e-mail us   subscription Shepherd's Voice Publication

Disyembre
Linggo


PADALA NI KRISTO
Sapagkat kung paanong puno ng tubig ang karagatan, laganap sa buong lupain ang pagkakilala kay Yahweh. - Isaias 11:9

Laganap na ang kasamaan sa mundo! Dito na lang sa Pilipinas namumutakti ng mga drug pusher kung kaya't talamak na ang pagkasugapa sa droga; mga kapitalistang ang puhunan ay dangal, puri at prinsipyo ng mga maralita. Kaya pinamumugaran na rin ito ng mga babaeng mababa ang lipad, sugarol, lasenggero.

Napapikit na lang ako. Diyos ko, ano ang magagawa ko? Nag-iisa lang ako! Nang idilat ko ang mga mata ko, marami na palang organisasyon ang kumikilos para makapaglingkod sa Panginoon at makaakay ng mga kaluluwang nalililigaw ng landas at nakakalimot sa Diyos.

Isa na rito ang Christ's Youth in Action sa U.P. Los Banos, ang samahang nagpakilala at nagturo sa akin kung paano maglingkod at tanggapin si Yahweh. Ito ang organisasyong nadaluhan ko na nagbigay sa akin ng interes sa paglilingkod sa Kanya. Dahilan kung bakit nabigyan ko ng interes o pansin ang mga organisasyon dito sa aming lugar.

Natuto akong maglingkod, pansinin at pahalagahan ang bawat salita ng Diyos at biyaya na sa aki'y dumarating. Mary Joy M.


1Basa: Isaias 11:1-10
Salmo 72:1, 7-8,
12-13, 17
Ebang: Lucas 10:21-24


PAGNINILAY:
: May organisasyon ka bang alam na naglilingkod sa Panginoon? Sumali ka! Damhin mo ang ligayang makapaglingkod sa kapwa.


Tunay ngang kapag Ika'y nagpakalat ng mga alagad dito sa lupain, pati ang natutulog ay magigising at ang mga manhid ay makakaramdam.


San Maruthas,
obispo,
ipanalangin mo
kami.





Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph