about us   archives    e-mail us   subscription Shepherd's Voice Publication

Disyembre
Sabado


MAY PERA AKO!
...ang alipin ko po'y naparalisis. Siyang nararatay sa amin at lubhang nahihirapan. - Mateo 8:6

"O Rosanna, binigyan Kita ng mga anak, ano'ng nangyari?" "Simple lang. May pera naman ako. Pinaalagaan ko sa yaya." "Hindi mo naramdaman ang ligaya habang karga ang anak mo at ang init ng kanyang katawan? Ni hindi mo nasilayan ang unang ngiti, tawa niya? Sayang!" "Yung mga pulubi na pinadala ko sa'yo, ano'ng nangyari?" "Simple, may pera naman ako, nagdonasyon ako sa mga bahay-ampunan at bahay ng mga Lola. Nagpa-picture pa nga kami." "Inakap mo ba at hinalikan sila?" "Hindi po." "Di hindi mo naramdaman ang tuwa na kapiling sila. O noong nagkasakit ang tatay mo?" "Simple lang. May pera naman ako. Ipinasok ko sa ospital at pinabantayan sa nars." "Pinalampas mo ang pagkakataong magkausap kayo't magkatawanan? Sayang!

"'Nga pala, pangalawang pagpunta Ko ito dito sa mundo. Baka naman gusto mong tumayo muna at itaas man lang iyang ulo mo upang makita mo ang mukha Ko?" "'Yong mga empleyado ko na lang po, tutal naman susunod sila." "Eh ano pang ginagawa mo?" Nagbibilang pa po ako ng pera. Saka na lang tayo mag-usap. Rosanna MG


1Basa: Isaias 4:2-6
Salmo 122:1-4, 8-9
Ebang: Mateo 8:5-11


PAGNINILAY:
Kung handa ka na, bakit ka matatakot? Patatagin mo ang iyong pananalig sa pagbabasa ng Bibliya.


Panginoon, tulungan Mo akong maglinis ng maruming puso ko; Magbalik-loob sa Iyo at makipagkasundo sa kapwa ko.


San Claudio, Sta. Hilaria
at mga kasama,
mga martir,
ipanalangin mo
kami.





Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph