about us   archives    e-mail us   subscription Shepherd's Voice Publication

Disyembre
Sabado


THEA
Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. - Mateo 24:42

Abala ako sa mga gawain ng kapatiran nang namatay ang pinsan kong si Thea. Isang taon ang tanda niya sa akin at magtatapos siya bilang medical technologist.

Halos dalawang taon kaming hindi nagkita, kaya lalo siyang nalungkot nang sumapi ako sa AFC Community at noon di'y gusto niya akong sundan.

Nagsimulang maging balisa at malungkutin si Thea, sumusumpung ang sakit ng ulo. Dahil sa sobrang sakit kailangan siyang buhatin papuntang ospital at na-comatose matapos na naramdamang may pumutok na ugat sa kanyang ulo. Limang araw siyang walang malay at nakaratay at may nakakabit na maraming suwero sa katawan.

Panalangin ko sa Diyos na maganap ang Kanyang banal na kalooban kay Thea. At dininig ni Jesus ang aking samo. Pagkatapos ng limang araw na paghihirap, kinuha na si Thea ngunit hindi pa rin kami nagkita, kahit sa huling pagkakataon. Wala akong nagawa kundi ialay at itaas siya sa Panginoon nang buong puso kahit lubhang napakasakit tanggapin ang kanyang paglisan. Anonimo


1Basa: Isaias 2:1-5
Salmo 122:1-9
2Basa: Roma 13:11-14
Ebang: Mateo 24:37-44


PAGNINILAY:
Hindi natin alam kung anong oras at hanggang kailan tayo mabubuhay sa mundo. Pahalagahan natin ang bigay ng Diyos na malayang buhay.


Banal na Jesus, nawa'y sa pagtawag Mo sa amin, kami'y maging handa; Katulad ng Mahal na Birhen na patuloy na sinunod ang Iyong kalooban.


Sta. Bibiana,
birhen at martir,
ipanalangin mo
kami.





Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph