about us   archives    e-mail us   subscription Shepherd's Voice Publication

Disyembre
Biyernes


MAHAL KITA, KAPATID
Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at paglalasing... baka abutan kayo ng Araw na yaon na hindi handa. - Lucas 21:34

Pagod na pagod ako ng gabing iyon. Maaga sana akong magpapahinga nang tumawag si Cora tungkol sa kapatid naming hiwalay sa asawa. Kinuha ng asawa nito ang anak na nasa poder niya. Halatang lasing si Fred nang sumagot sa telepono.

Hiwalay sa asawa si Fred at may ilang babaeng karelasyon. Sobra-sobra sana ang sahod niya kung wala siyang bisyo. Nagkaanak siya sa kanyang mga babae. "Bakit ganoon," tanong ko sa sarili. "Mababait at maaasikaso naman ang mga magulang namin. Saan ito nagmana? Saan kami nagkulang?" Ako ang tumayong Tatay ni Fred nang may 15 taon pa lamang siya. Tinulungan ko ang masakitin kong ina sa pagsuheto rito.

Ilang araw pagkatapos ng tawag ko kay Fred, siya naman ang tumawag. "Nararamdaman kong malayo ang damdamin ng mga anak ko sa akin. Ano gagawin ko?" "Magbago ka at ipadama mo sa kanila ang pagmamahal mo," sagot ko.

Kamakailan, tumawag ang isang anak ni Fred at may problema. Sabi'y naghimala raw ang Diyos dahil tinawagan siya ng kanyang Daddy at matapos humingi ng tawad ay nag-aalok ng tulong. Nimia G.


1Basa: Daniel 7:15:27
Salmo: Daniel 3:82-87
Ebang: Lucas 21:34-36


PAGNINILAY:
Kung wala kang masabi, subukang magpasalamat o magbigay-puri sa iyong kausap. Ganoon din kung tayo ay nagdarasal sa Diyos.


Hesus, itunghay Mo ang Iyong maawaing mga mata sa mga kapatid naming nalilihis ng landas; Ituwid Mo ang kanilang buhay tulad ng pagtuwid Mo sa amin.


San Agerico,
obispo,
ipanalangin mo
kami.





Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph